Nagpaplano ba kayong bumoto nang personal? Daan-daang Vote Center sa LA County ang bukas na ngayon! Pumunta sa LAVOTE.GOV para humanap ng isang malapit sa inyo at bumoto bago ang Araw ng Halalan sa Hunyo 7.
🗳️Bumoto na ngayon at gawin nating mabilang ang bawat boto.
Naibalik na ba niyo ang inyong balota ng Vote by Mail? Malapit nang maubos ang oras! Mayroong 400 lokasyon ng Ballot Drop Box sa buong LA County. Humanap ng isang pinakamalapit sa inyo ➡️ LAVOTE.GOV
Boboto ba kayo nang personal sa Primary Election? Magtipid sa oras gamit ang Mobile Poll Pass. Punan ang inyong balota sa inyong phone o personal device, pagkatapos ay i-scan ito sa alinmang Vote Center sa LA County. Magsimula sa LAVOTE.GOV/ISB at sundin ang madadaling hakbang na ito:
💻 Ilagay ang inyong pangalan, petsa ng kapanganakan, at address at gawin ang inyong mga pagpili. 📱I-print o i-download ang inyong Mobile Poll Pass (QR code). 🗳️Sa Vote Center, i-scan ang Mobile Poll Pass (QR code), kumpirmahin ang inyong mga napili, at bumoto.
Ganoon lang kadali. #TrustedInfo2022
Hindi kailanman naging mas madali ang pagboto! Napadalhan na ang bawat rehistradong botante sa LA County ng balota para sa Vote by Mail.
🏠 Punan ang inyong balota sa sarili ninyong tahanan ✍️ Lagdaan ang Return Envelope 🗳️Ihulog ito sa koreo o sa Ballot Drop Box na malapit sa inyo
Maaari pa ninyong masubaybayan ang bawat hakbang na nagaganap sa inyong balota ng Vote by Mail at magtiwala na natanggap at mabibilang ito. Higit pang matuto sa opisyal na mapagkukunan: LAVOTE.GOV
Ang LA County Registrar-Recorder/County Clerk (@lacountyrrcc) ay nagbibigay ng makatotohanan at walang pinapanigan na impormasyon mula sa pagrehistro ng botante hanggang sa paghanap ng opsiyon sa maagang pagboto na akma sa inyong mga pangangailangan sa paghiling ng balota sa ibang wika.
🏃Malapit na ang huling araw ng pagrehistro ng mga botante!
Magparehistro para sa pagboto bago ang Mayo 23 upang makuha ang inyong balota sa koreo. Iwasan ang mga pila sa Araw ng Halalan, at bumoto nang maaga sa pamamagitan ng koreo — ang pinakamabilis at pinakamadaling paraan ng pagboto sa Primary Election sa Hunyo 7. Higit pang matuto sa: LAVOTE.GOV
Mayroon kayong mail! Sa huling eleksiyon, mas maraming tao sa LA County ang bumoto sa pamamagitan ng koreo nang higit pa sa dati. Bakit? Dahil ito’y madali, mabilis, at labis na maginhawa. Bumoto nang maaga at bumoto sa pamamagitan ng koreo sa 3 madaling hakbang.
🏠 Punan ang inyong balota sa inyong sariling tahanan ✍️ Lagdaan ang Return Envelope 🗳️ Ihulog ito sa koreo o sa Ballot Drop Box na malapit sa inyo
Maghanap ng Ballot Drop Box na malapit sa inyo: LAVOTE.GOV.
Kailangan ba ng impormasyon sa darating na Primary Election sa Hunyo 7? Deretsong pumunta sa opisyal na mapagkukunan. Ang @LACountyRRCC ay nagkakaloob ng wasto at walang pinapanigang impormasyon na inyong kailangan para planuhin ang inyong pagboto. Alamin ang mga sagot sa mga tanong tulad ng:
🔎 Ano ang aking katayuan sa pagrehistro ng botante? ❓ Paano ako magpaparehistro para bumoto? 🐣 Paano ako makakaboto nang maaga?
Bumisita sa LAVOTE.GOV para higit pang matuto. #TrustedInfo2022
Hindi kailanman naging mas madali ang pagboto sa LA County. Bawat rehistradong botante ay tatanggap ng balota halos isang buwan bago ng Araw ng Halalan – Hunyo 7. Ang kailangan lang ninyong gawin ay punan ito, lagdaan ang Return Envelope, at ibalik ito. Ito ay mabilis at madali, at sa totoo lang, ang paghihintay sa pila para bumoto ay parang noong 2018.
Pumunta sa LAVOTE.GOV upang makatulong na ipasok ang bawat boto.
📢 Tinatawagan ang lahat ng boboto sa unang pagkakataon! Kung kayo ay lumipat, bago lang sa LA County, o boboto sa unang pagkakataon: tiyakin ninyong magparehistro para sa pagboto bago ang Mayo 23 upang makatanggap ng balota mula sa koreo.
Tingnan ang LAVOTE.GOV para makapagsimula at planuhin ang pagboto.